Wagi/Sawi Mga Kwentong Luwalhati at Pighati
Author: Rolando B. Tolentino
Sa sobrang tayog, agad lalagpak, matapos pumailanglang sa kalawakan, malulunod sa malalim na kawalan, natagpuan ang sarili subalit biglang maliligaw, matutupad ang pangarap na agad mahahatak ng pagkabigo: ganito binubuo at hinahati ang ating pagkatao. Muling nangahas ang mga kontemporaryong kuwentistang Filipino. Winner o loser, walang in-between sa mga kuwento.Ginagalugad ang samu't saring loob at labas ng ating uri, kasarian, sexualidad, henerasyon, relihiyon, etnisidad, lahi, pagkamamamayan, at pagkabansa. Narito ang mga kuwentong bumibitaw upang maging matatag ang ating paninindigan, naghihinagpis upang makilala ang tagumpay, nalulungkot upang mangarap. Namayani man ang dalawang polaridad ng ating indibiduwal at kolektibong danas, sa huli, matatagpuan natin ang ating mga sarili na nilalampasan ang mga luwalhati at pighati ng ating lipunan.
C.2016 / UPP