Sa Mga Pansamantala
Author: Vijae Orquia Alquisola
Isang kasaysayan ng paglasa sa geyograpiya ng pangungulila ang "Sa Mga Pansamantala" ni Vijae Orquia Alquisola. Ano ang lasang naiwan, at kalaunan nagmarka, ng pangingibang-bayan ng isang ina sa kanyang mga mahal sa buhay? Isang poetika ng imbestigasyon sa mga naiwan, iniwan, nagpaiwan ang koleksyon. Gumagalaw ito sa panahon at espasyo ng pansamantala, na isang pagpapaubaya sa mga alaala at pangitain, kaya buo (pa rin) ang paghahanda?t paghahain ng pag-ibig. Isinakatawan ito ng koleksyon sa iba?t ibang anyo, iksi?t haba, lasa?t tunog ng wika. Ang pagla(la)sap sa mga tula rito ay siya ring pagsa(sa)lat sa mga panandaliang pananahan sa mga pagitan ng tradisyon at inobasyon, lirikal at eksperimental, puro?t pino ng inang-wika at gaspang at lagkit ng mga bukambibig ng pang-araw-araw. Sa kabuuan, isang masaganang handa?kapwa humahaplos at humihiwa
C.2017 / USTPH