Rizal: Makabayan at Martir ni Austin Coates
Author: Ocampo, Nilo S.
José Rizal (1861-1896), makata at makabayang Pilipino, exakt kontemporari ni Tagore at tagapanguna kay Gandhi, namatay sa mga punglo ng firing squad na Espanyol, sa gulang na 35. Ang kanyang mga sinulat ang nagsilbing inspirasyon ng Himagsikang Pilipino ng 1896-98, ang pinakaunang pag-aalsang pambansa laban sa kapangyarihang kolonyal sa Asya. Subalit natabingan si Rizal nang nalipat ang pangunahing larangan ng pakikibaka para sa kasarinlan sa Asya mula sa Pilipinas tungong India. Sa kanyang sariling bansa patuloy siyang idinadambana bilang pambansang bayani, at siyang may mas malawak na impluwensiya sa kanyang bansa kaysa sinupaman."
Inilalarawan ng pilosoper na Espanyol na si Unamuno si Rizal bilang Kristong Tagalog; ang kanyang buhay, bagama't inilaan sa kanyang bayan, ay may universal na kaangkupan. Sa Asya, kahilera niya sina Sun Yat-sen, Gandhi at Tagore bilang tagapagbago ng pag-iisip ng isang kontinent. Ngunit bilang isang Katoliko sa panahon nina Darwin at Frazer umiigpaw siya sa kapwa bansa at kontinent. Sa pagtutugma ng pananampalatayang relihiyoso at kaalamang sayantifik na ipinamamalas ng kanyang buhay, kinakatawan niya sa Asya kung ano ang kinakatawan nina Renan at Teilhard de Chardin sa Kanluran, ang pagkakaiba namatay si Rizal dahil sa kanyang pinaniniwalaan, pakana ng mga prayleng misyonerong Espanyol na di umaagapay sa mga pagbabago sa Katolisismo sa Europe."
Unang nailathala noong 1968, muli-muling nailabas sa Oxford in Asia Paperbacks at iniisyu ngayon sa salin sa wikang Filipino ng Limbagan ng Unibersidad ng Pilipinas, ibinabalik ng talambuhay na ito si Rizal sa karapat-dapat na luklukan niya bilang isa sa mga pinakamarangal na katauhang nailuwal ng Asya.c2018; 2011; 2007; 1997; 1995, 580p., 6x9in