top of page
Na Kung Saan: Kapirasong Kritika, Mahigit Isang Dekada

Na Kung Saan: Kapirasong Kritika, Mahigit Isang Dekada

$30.99Price

Author:  Marasigan, Toe S.

Taong 2005, sinimulan ng may-akda ang kanyang kolum—na noong 2007 ay naging blog din—na may titulong “Kapirasong Kritika.” Sa Na Kung Saan, tinipon ang pinakamaiinam na kolum-entri sa loob ng mahigit isang dekada. 

Samot-sari ang paksa: kulturang popular, mga isyung pambansa, ang Kaliwa at mga tumutuligsa rito, mga kwento sa kilusang masa, at pagpupugay sa mga aktibista’t rebolusyunaryo. Lahat, mula sa perspektibang nagsisikap maging progresibo. 

Mababasa sa libro ang isa sa maraming tinig ng nagsusulat na nasa Kaliwa at ang isang natatanging himig sa panulat sa wikang Filipino. Isinulat ng isang aktibo sa pakikibaka para sa pambansa at panlipunang paglaya, ang mga sanaysay na narito ay malaman at probokatibo. 

Lumabas sa limbag at online na publikasyong Pinoy Weekly, nagkaroon na ang “Kapirasong Kritika” ng mga tagatangkilik, karamihan ay kapwa-aktibista ng may-akda. Mainam alamin ng mambabasa kung may bisa ang aklat, na nasa tradisyon ng “walang pagod na gawain ng panghihikayat.”

 

c2018, 328p., 6x9in

bottom of page