Musika sa Kasaysayan ng Filipinas
Author: Raul C. Navarro
Hindi matatawaran ang kahalagahan ng kasalukuyang aklat. Tinangka rito ni Dr. Raul C. Navarro sa unang pagkakataon na saliksikin at ilahad ang buong kasaysayan ng musika sa Pilipinas at ng Bayan ng Kapilipinuhan noong panahon ng transisyon mula sa kolonyang Kastila tungo sa unang isa’t kalahating dekada ng Okupasyong Amerikano na pinagdugtong ng Himagsikang 1896 at Republika ng Malolos (1890–1913). Mahalaga ngunit masalimuot na gawain ito na ramdam na ramdam naman ng may-akda. Napatunayan na nito ang kanyang kakayanan upang isagawa ito nang masinsinan. Nasulat na niya ang tungkol sa naging pag-aanyo ng musika noong panahon ng batas militar. Napatunayan din ito ni Dr. Navarro sa bahagi ng libro na tumatalakay sa panahon mula 1914 hanggang 1972; gayundin, mula EDSA Uno hanggang sa kasalukuyan. Ang buong dantaong ito ay masasabing dantaon ng “sinisikap” na integrasyon ng nakaraang pag-aanyo ng musikang Pilipino (bago 1914) sa kasalukuyang oryentasyong Kanluranin at “internasyonal,” oryentasyong lipos ng pag-aalala hinggil sa “katutubo” at “sinaunang” musika.Binabati ko si Dr. Navarro sa kanyang makabuluhang pagpapasimuno sa isang gawaing esensiyal sa ating pang-unawa at pag-unawa sa sarili bilang isang kabuuang sosyopolitikal na lahi na may natatanging musika na malalim ang kasaysayan. –Zeus A. Salazar, PhD Retiradong Propesor ng Kasaysayan, Unibersidad ng Pilipinas Diliman
C.2016 / UPP