Mga Apoy Sa Ilaya At Iba Pang Kuwento Book
Author: Rodriguez, Rommel B.
Ang Mga Apoy sa Ilaya at Iba Pang Kuwento ay koleksiyon ng sampung maikling kuwento. Malikhaing itinala rito ang mga personal at kolektibong alaala gamit ang sining ng pagkatha. Mula sa kuwento ng mga mitolohikal na mandirigmang sumalakay sa bayan ng Santa Catalina, pakikihalubilo sa mga migranteng manggagawa sa Japan, pagpasyal at pag-anyaya sa kamatayan sa Coron, hanggang sa sabay na pag-iral sa mundo ng pantasya at realidad, sinuong sa bawat kuwento ang mga sulok, gilid, at lalim ng pagiging tao. Mababasa sa aklat ang mga kuwentong hango sa pinagtagpi-tagping tagpuan.
Tinalunton dito ang panahon ng pag-iisa at pakikisangkot habang paulit-ulit na nagtatalaban ang bisa ng katapatan at pagkukunwari. Narito ang mga tauhang natutong lumuha, tumawa, magalit, bumalikwas, at magmahal upang yakapin ang buhay at lampasan ang mga limitasyong itinakda ng lipunan at ng sarili.
c2018, 184p., 6x9in