May Tiktik sa Bubong, May Sagbin sa Silong
Author: Allan N. Derrain
Crime reportage ni Nick Joaquin sa magkakapatid na minasaker ng sariling mga magulang dahil sa paniniwalang aswang ang mga ito. Mga bahagi ng memoir ng CIA agent na nagsasalaysay kung paanong ginamit ang aswang sa isang operasyon laban sa mga Huk. Kuwentong aswang ni Lola Basyang pero magdalawang isip muna bago ikuwento sa mga bata. Mga siyentistang nakadiskubre sa kung ano talaga ang nasa loob ng mga manananggal na nagdudulot ng kanilang pagiging mga manananggal; aswang na may masahistang jowa; aswang na dating miyembro ng CAFGU; fashionistang aswang; palpak na aswang, at iba pang mga kaaswangan sa indibidwal at kolektibong imahinasyon. Nais suungin ng antolohiya ang sanga-sangang paghihimalay sa aswang, sa kanyang paglipad at pagtawid sa iba’t ibang mga panahon at espasyo, sa kanyang pagparoo’t parito sa kung saan-saang sulok at tagpo ng kasaysayan.
C.2017 / AUP