JOSE RIZAL: Buhay ng Isang Bayani DVD
Isang Produksiyon ng Bookmark at ng Kagawaran ng Kasaysayan ng Pamantasang Ateneo de Manila
Si José Rizal—anak, mag-aaral, mangingibig, manunulat, bayani.
Higit siyang kilala mula sa mga sinulat ng iba tungkol sa kanya. Natatangi ang video-dokumentaryong “José Rizal: Ang Buhay ng Isang Bayani” bilang isang maingat na pagbasa sa buhay ni Rizal mula sa sarili niyang mga salita—sa kanyang talaarawan, mga liham, mga sanaysay, at iba pang mga akda.
Sa loob ng isang oras, binuhay ng obrang ito ang mga leksyong tungkol kay Rizal sa mga paaralan. Narito si Rizal—isang taong natakot, at nagalit, umibig at nabigo, nagtaya at nagpakasakit. Narito si Rizal ng dugo at pawis, ng puso at diwa, higit sa Rizal ng rebulto at alamat. Narito ang Rizal na aanyaya sa bawat karaniwang tao na maging bayani ng kanyang panahon.
Sa pamamagitan ng mga sulat, larawan at iba pang mga alaala ng buhay ni Rizal, naghahain ang video-dokumentaryong ito ng isang pista para sa isip at paningin, ng isang papuring nangungusap sa bawat puso.
–Noelle Rodriguez
Dulang-pandokumentaryo ni JOSE BERNARD T. CAPINO
Direksiyon ni Butch Nolasco
© 1996 by History Department Ateneo de Manila University and The Bookmark, Inc.
Running time: 1 hour, 7 minutes