Dugo sa Bukang Liwayway
Author: Rogelio Sicat
Ang Dugo sa Bukang-Liwayway ay isang nobela na inilimbag ng may-akda sa kanyang manuskrito ng dugo, pawis at ultimong bakas ng talampakan. Ang motibo, inspirasyon, nilalaman, birtud at "kasalanan" ng nobela ay pawang hinugot sa tadyang ng may-akda, alak at tinapay mula sa talambuhay, unang lagom ng kanyang mithiing muling isalaysay ang daigdig ng kanyang kamulatan. Ang sinilangang bayan ng San Isidro, Nueva Ecija ang San Roque sa nobela. May sandaling ang may akda ang naging isa sa tauhan ng nasa nobela pagpapatibay sa pagiging "totoo" ng kanyang akda, hindi kathang isip lamang, bagama't pagpapatunay din sa talinghaga ng paglikha.Ito rin ay isang nobelang agraryo sa pagtalakay ng suliraning agraryo dli kaya'y ng kasaysayan ng lipunang agraryo. Samantalang wari'y namamaybay ang nobela sa kamulatan at sensibilidad ng bayan, na ang pangunahing motibo'y matuwid at maglinis, lubid man o isip ang pinag-uusapan.
Reprinted 2015 / UPP