Pasakalye: Isang Paglalayag Sa Kasaysayan Ng Panitikang Filipino (2nd Ed)
Author: Gary Devilles
Tunguhin ngayon ng antolohiyang ito ang paghahain sa kasaysayan ng panitikan bilang isang uri ng paglalayag o paglalakbay kaya maging ang nakaugaliang pagtatakda ng panahon bilang mga panahon ng pagdating ng mga mananakop ay higit na pinaglalaruan sa antolohiyang ito at hinalipan ng mga panahon ng mga kasangkapan sa paglalakbay o paglalayag. Inspirasyon ng antolohiyang ito ang isang panayam ng makata at kritiko na si Benilda Santos higgil sa Tagalog Poetry ni Bienvenido Lumbera. Sa panayam ni Dr. Santos, binigyan niya ng diin and estetika o poetikang Tagalog at poetikang Espanyol bilang banggaan ng balangay at galyon, kung paanong ang makatang ladino na dati'y sanay sa balangay at nagkakaroon ng kakaibang karanasan sa kanyang paglalayag sa bapor o galyon na dala-dala ng Espanyol. Sa ganitong pagsisino ni Dr. Santos, inihain ng antolohiyang ito ang isang salaysay sa mga panitikang Filipino bilang isang uri ng paglalayag, mula sa panahon ng balangay, galyon, awto, at tungo sa kawad, kung saan ang huling yugto ay hindi lamang moda ng transportasyon kundi ng pakikipagtalastasan din, kaya higt na nagiging masalimuot ang estetika at anyong pampanitikan gayong may pinagmumulan din naman sa nakaraan.
C.2017 / AUP