Araw/Gabi
Author: Rolando B. Tolentino
Araw Mga Aporismo ng Pagkautal at Pagkaulol/Gabi Mga Aporismo ng Pagtanga at Pagtunganga
Ang librong ito ay koleksyon ng aporismong unang lumabas sa Twitter. Ginamit ng autor ang plataporma ng Twitter bilang lunsaran ng panitikang ito. Ayon sa autor, “ang aporismo ay maiikling pangungusap na direkta ang punto… at ang pangungusap na ito ay nagbibigay-distinksyon, ng pagkakaiba’t pamumukod-tangi sa ordinaryo. Ito ay isang definisyon din, ng paglalahad ng isang sintesis hinggil sa karanasan sa mundo ng makabuluhang aspekto nito…at hinggil sa sangkatauhan.” Nahahati sa Araw at Gabi ang librong ito dahil may mga aporismong pumapatungkol sa aktibidad sa Araw at mayroon ding aporismong tumutukoy sa aktibidad sa Gabi.
C.2016 / UPP