Ang Larong Nagwakas sa Atin
Mula pagkabata, buhay na ni Dennis Manansala ang paglaro ng chess. Dito lang siya siguradong magaling siya. Nang ilipat siya sa St. Louise de Marillac Academy o LdMA para sa high school, akala niya natuldukan na ito. Pero isang panibagong laro ang magsisimula nang makilala niya ang babaeng magpapaintindi sa kanya sa kahalagahan ng pamilya, pagkakaibigan, at pangarap.
Kinder pa lang, planado na ang buong buhay ni Esther Pamintuan. Para makapasok sa pangarap niyang university, mangunguna siya sa klase at magiging aktibo sa pahayagan ng LdMA. Ngunit nang hindi inaasahan, mapapasali siya sa laro ng chess at makikilala ang lalaki na magpapabago ng takbo ng mga plano niya.
Isang oras. Tigtatlumpung minuto sa orasan. Sa isang huling laro nakasalalay ang apat na taon ng pagsasamahan nina Dennis at Esther. Isa lang sa kanila ang magwawagi, gagawaran ng scholarship, at hihiranging Chess Player of the Year.
Sundan sina Dennis at Esther magbaliktanaw kung paano sila nagkatagpo, nagkalapit, at nagkaibigan
2019, Newsprint, 344pp