Amaya Teleserye Vols.1-14 Complete Series
Artists: Marian Rivera, Mikael Daez, Sid Lucero, Gina Alajar, Lani Mercado, Ana Capri, Gardo Versoza
Ang kwento ni Amaya ay nagsisimula sa isang puod na pinaghaharian ni Rajah Mangubat, isang kinakatakutang pinuno na mabagsik at walang patawad sa kanyang mga kaaway. May hawak siyang anting-anting na nagbibigay sa kanya ng kakaibang kapangyarihan sa pakikipaglaban kaya't talagang kinaiilagan siya ng mga tagasunod niya.
Isang araw ay nangamba si Rajah Mangubat sapagka't ayon sa propesiya ng isang babaylan, hindi na tatagal ang paghahari nito sapagka't may isisilang na isang pinuno na makakatalo sa kanya. Ang pinuno na ito ay isang babae na may kakambal na ahas, at ang ahas na iyon ay isang umalagad (deity).
Sa takot ni Rajah Mangubat, agad siyang naglakbay sa iba't ibang banwa upang paslangin ang mga nagbubuntis dito upang hindi na maisilang ang sanggol na makakatalo sa kanya. Lahat ng mga banwa ay kanyang sinalakay maliban sa banwa ni Datu Bugna, isang kaibigan at kaalyado ni Rajah Mangubat. Ang hindi niya alam ay dito isinilang ang naturang sanggol na may kakambal na ahas na si Amaya, ang anak ni Datu Bugna sa isang alipin.
Si Amaya ay ginawang binukot ni Datu Bugna upang ilihim ang pamumuhay nito kay Rajah Mangubat. Dahil espesyal ang pagtrato at pagmamahal ni Datu Bugna kay Amaya, kinaiinggitan siya ng asawa nito na si Dian Lamitan at ng kanyang mga anak.
Sa inis, nagawa ni Lamitan na magsinungaling kay Rajah Mangubat na bumubuo si Datu Bugna ng paghihimagsik laban sa kanya. Nilusob ni Rajah Mangubat ang banwa ni Datu Bugna at pinatay ito, at pagkatapos ay ginawang alipin si Amaya na hindi pa niya natutuklasang babaeng pinuno na pinaguusapan sa propesiya.
Kahit tinanggap niya na siya ay isa na ngayong alipin, hindi pa rin ni Amaya matanggap ang naging kamatayan ng ama sa kamay ni Rajah Mangubat.
Sinumpa ni Amaya na maghihiganti siya laban kay Rajah Mangubat at sa mga taong nanakit sa kanya at sa kanyang ama.
Magtatagumpay kaya si Amaya sa kanyang paghihiganti?
At paano na ang nakakagulat niyang pagtuklas na ang lalaking kanyang iniibig na si Bagani ay anak ni Rajah Mangubat?
Alamin ang mga sagot sa mga katanungan na ito at iba pa sa pinakabagong handog na epicserye ng GMA, ang Amaya!
“Amaya” is the network’s first-ever historical soap opera. For “Amaya,” the network had to build five sets in different areas. It also prides itself fabulous costumes and flashy jewelry imported from Asian countries, and a war ship called “Karakoa” built by 50 local artisans.
--NOTE: Comes with English Subtitle Features---
Click to WATCH TRAILER